Jerusalem, 5 Oktubre, 2025 (TPS-IL) — Ang Ministry of Agriculture and Food Security ng Israel at ang Reconstruction Administration ay magbibigay-suporta sa pagsasaayos ng mga lupain/sakahan na nasira sa “Iron Swords” War. Sa loob ng framework na ito, magbibigay sila ng 9 milyong Shekel ($2.72 milyon) para sa pagsasaayos ng mga sakahan na sinira dahil sa aktibidad ng militar at teroristang atake.

Noong “Iron Swords” War, malawak na mga agricultural areas ang ginamit para sa aktibidad ng militar, na nagdulot ng malubhang pinsala sa istraktura at kagamitan ng lupa, sa kakayahan ng paglago ng mga pananim, pati na rin sa kalidad at dami ng ani sa maikli at mahabang panahon. Bukod dito, ang access sa ilang mga sakahan ay ipinagbawal dahil sa digmaan, kaya’t ang kinakailangang paggamot ay hindi naipatupad, na nakakasama sa kakayahan na magtanim sa mga agricultural areas sa mga susunod na panahon.