Sumuko ngayong umaga ang teroristang si Ahmed Yaakov sa mga puwersa ng seguridad sa Salem crossing, kasunod ito ng pagkilos ng mga puwersa ng Menashe Brigade sa nakalipas na panahon sa dose-dosenang mga operasyon, sa ilalim ng gabay ng Shin Bet, na may layuning maisagawa ang pag-aresto sa kaniya.
Ang teroristang si Ahmed Yaakov ang namuno sa cell na nagsagawa ng atake gamit ang mga pampasabog sa Gilboa seam noong Hulyo 23, 2024, kung saan 2 manggagawa ng Kagawaran ng Pagtatanggol ang nasugatan. Sa paglipas ng mga taon, sinubukan ni Yaakov na magsagawa ng mga pamamaril at mga atake gamit ang pampasabog laban sa mga mamamayan ng Estado ng Israel at sa security forces, at nakipag-ugnayan sa iba’t ibang elemento ng terorista mula sa labas ng Judea at Samaria.