(Inihayag ng Tagapagsalita ng Pangulo)

Bumisita ang Pangulo Isaac Herzog ngayong umaga (Linggo, 17 Agosto 2025) sa Hostage Square sa Tel Aviv, at nakipagkita sa mga pamilya ng ilan sa 50 mga bihag na hawak ng mga terorista ng Hamas sa Gaza.

Hinimok ng Pangulo ang pandaigdigang komunidad na pwersahin ang Hamas at ipagpatuloy ang agarang pagpapalaya ng mga bihag.

Sinabi ni Pangulong Herzog, “Nandito ako upang sabihin sa pandaigdigang midya at sa mga pandaigdigang taga-pasiya: Ang ating mga anak ay nandoon sa mga piitan ng Gaza ng 681 araw. Nais namin silang makauwi sa lalong madaling panahon. Dapat naisin din ito ng mundo na sila’y makauwi sa lalong madaling panahon. Tigilan ang pagiging mga mapagkunwari. Pwersahin – dahil kapag alam mong pwersahin, pwersahin mo, pwersahin at sabihin sa Hamas, ‘walang kasunduan, walang anuman, hangga’t hindi niyo sila pinalaya.’”

Dagdag pa ng Pangulo, “At nais kong sabihin sa ating mga kapatid sa buong mundo, tayo ay magkakasama sa pagsubok na ito. Nais nating makauwi ang mga bihag. Sila ang pinakamahalagang isyu sa mga pangyayari sa mundo, at nais nating makita silang makauwi sa lalong madaling panahon.”

Habang nagsasalita sa midya, kasama ng Pangulo sina Sharon Sharabi at Yael Adar.

Si Sharon ay kapatid ni Eli Sharabi na nakaligtas ng 491 araw sa pagkabihag ng Hamas matapos patayin ng mga terorista ng Hamas ang kanyang asawa at mga anak sa kanilang tahanan noong Oktubre 7. Si Yael naman ang ina ni Tamir Adar, na namatay sa laban laban sa mga terorista ng Hamas sa Kibbutz Nir Oz noong Oktubre 7, at ang katawan nito ay patuloy na hawak ng Hamas.

Pagkatapos ay pribadong nakipagkita si Pangulong Herzog sa karagdagang pamilya ng mga bihag.