Iniulat ng Kagawaran ng Kalusugan na isang hindi nabakunahan na batang may tigdas ang namatay ngayong araw. Ito na ang ikalimang pagkamatay mula nang magsimula ang pagkalat ng sakit, kung saan tatlo rito ay nangyari sa nakaraang linggo.
Ang tigdas ay isang highly contagious viral disease na maaaring maging sanhi ng panganib sa buhay. Kapag lumitaw ang mga sintomas, mahalaga na ipaalam ito sa mga propesyonal sa kalusugan upang sila ay makapagbigay ng kaukulang pangangalaga sakaling magkaroon ng komplikasyon.
Maaring maiwasan ang tigdas sa pamamagitan ng ligtas at epektibong bakuna.
Mga rekomendasyon sa pagbabakuna:
Lahat ng mga bata ay dapat magpabakuna sa edad na isang taon at muli sa edad na anim (bilang bahagi ng regular na schedule ng pagbabakuna).
Sa mga lugar na may outbreak:
– I-advance ang ikalawang bakunang shot sa 18 na buwan ng edad
– I-rekomenda ang karagdagang dosis para sa mga sanggol na may edad na 6-11 buwan sa mga lugar na may outbreak o bago magtravel sa mga apektadong lokasyon.
Mga lugar na kasalukuyang itinuturing na may outbreak: Jerusalem, Beit Shemesh, Bnei Brak, Harish, Modi’in Illit, Nof HaGalil, Kiryat Gat, at Ashdod.
Sa mga lugar na ito, maaari kang pumunta sa mga family health centers (Tipat Halav), HMOs, at espesyal na measles vaccination stations—walang kailangang appointment.
Sa ngayon, mayroong 21 kaso ng tigdas na nakaospital, karamihan sa kanila ay mga bata na hindi nabakunahan. Sa mga ito, anim na bata ang nasa intensive care.
Dahil malapit na ang holiday, ang sinumang hindi magandang pakiramdam ay dapat iwasan ang pagtitipon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba.
Ang pagbabakuna ay nagliligtas ng buhay.
Para sa karagdagang impormasyon, kasama na ang oras ng operasyon sa measles vaccination stations at kaugnay na mga gabay, bisitahin ang website ng Kagawaran ng Kalusugan:
Measles vaccination campaign days
Upang mag-schedule ng appointment, makipag-ugnayan sa iyong HMO o tumawag sa aming hotline sa *5400, Linggo hanggang Huwebes.